LUMANG JEEP, PAPASADA HANGGANG MARSO 2022 NALANG- LTFRB REGION 2

Dumalo ang ibat-ibang operators’ ng mga pampublikong mga sasakyan na bumibyahe dito sa lalawigan ng Isabela sa inorganisang pagpupulong ng LTFRB Region 2.

Layunin ng aktibidad na suportahan ang mga nagmamay-ari ng pampublikong mga sasakyan at para maging moderno at ligtas ang ating mga kababayan na pasahero.

Gayundin, para maturuan ang mga namamasada kung paano ang pag- purchase ng mga bagong sasakyan at kung ano ang mga kailangang requirements.

Hanggang sa katapusan na lamang ng Marso ngayong taon na pwedeng makapamasada ang mga jeep dahil papalitan na sa mga susunod na buwan ng mga makabagong sasakyan ang mga lumang ginagamit na pampublikong transportasyon sa rehiyon.

Dahil dito, apektado ang mga jeepney operator’s kung sakaling matuloy na tanggalin ang mga lumang jeep na tumatakbo sa mga lansangan.

Kaugnay nito, desidido naman ang mga operators na sumunod sa bagong patakaran na ipinapatupad ngayon ng LTFRB.

Facebook Comments