
Nangako si Senate President Win Gatchalian na aalisin sa 2027 national budget ang lump sum funds.
Ito ay matapos na ideklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang ilang probisyon ng 2024 at 2025 national budget gayundin ang probisyon ng unprogrammed appropriations ng 2026 budget.
Pagtitiyak ni Gatchalian, walang makakalusot na lump sum funds sa 2027 budget dahil ito ay unconstitutional.
Gayunman, mananatili naman sa pambansang pondo ang unprogrammed appropriations dahil hindi naman sinabi o idineklara ng Supreme Court na ito ay ipinagbabawal o unconstitutional.
Kailangan lamang aniya magtakda ng parameters na susundin ng Senado para matiyak ang maayos na paggamit sa pondo.
Dagdag ni Gatchalian, tinatayang ang unprogrammed appropriations ay nasa 2 percent hanggang 5 percent ng kabuuang pambansang budget.










