Lungsod ng Cauayan, All-set na kay ‘Ramon’!

Cauayan City, Isabela- Nakaalerto na ang buong puwersa ng Cauayan City Disaster Risk Reduction and Management Office (CCDRMO) kasama ang binuo nilang composite team para sa paghahanda sa pagtama ni bagyong Ramon sa Isabela.

Tiniyak ng composite team ang kanilang kahandaan bago, pagsapit at pagkatapos ng bagyo na inaasahang tatama sa Linggo ng madaling araw.

Sa isinagawang Pre-Disaster Risk Assessment kaninang umaga na dinaluhan ng PNP, BFP, TOG 2 ng Philippine Air Force, City Engineering Office, General Services Office, BJMP, City Social Development Office, POSD,City Health Office, DPWH, DepEd at DILG sa lungsod ng Cauayan, ay tiniyak ng lahat ang kanilang partisipasyon para sa layuning zero casualty.


Sakaling may mga pangangailangan ng agarang paglikas, walong (8) dump trucks, dalawang (2) payloader at dalawang (2) backhoe ang ibibigay ng City Engineering Office, dalawang (2) ambulansiya mula sa City Health Office, apat (4) na cross wind at dalawang (2) boomtruck ang inihanda ng GSO.

Naka antabay din ang isang (1) back hoe, dalawang (2) dump trucks at limang (5) pick up ng DPWH habang magbibigay rin ng dalawang (2) sasakyan ang BJMP Cauayan City.

Sa panig naman ng City Social Development Office, nakahanda na ang 1,385 na relief packs sakaling may mga evacuees.

Nagkaroon na rin ng aerial test ang mga helicopter ng Tactical Operations Group 2 ng Philippine Air Force (PAF) maging sa mga paaralan na gagamitin bilang evacuation center.

Facebook Comments