Cauayan City, Isabela- Nakapagtala muli ng limang (5) panibagong positibong kaso ng COVID-19 ang Lungsod ng Cauayan.
Ang unang nagpositibo ay si CV2264, babae, 59 taong gulang, may-asawa at residente ng Barangay Baringin Sur.
Siya ay nakaranas ng pag-ubo, lagnat at hirap sa paghinga noong October 10, 2020 at naospital sa isang pribadong ospital sa lungsod.
Nabatid na mayroon din sakit sa puso ang pasyente at kinuhanan ng sample noong October 11, 2020 hanggang sa lumabas ang resulta na siya ay positibo sa virus.
Walang naging travel history, hindi pa matukoy ang kaniyang history of exposure.
Siya ngayon ay nasa pangangalaga na ng LGU quarantine facility.
Pangalawa ay si CV2265, lalaki, 9 taong gulang, residente ng Barangay San Fermin at anak ng nagpositibong si CV1984.
Siya ay nakaranas ng pag-ubo at pagsipon noong October 8, 2020, kinuhanan ng sample noong October 13, 2020 at siya’y naka strict home quarantine.
Pangatlo ay si CV2271, isang lalaking guro sa bayan ng Reina Mercedes, 25 taong gulang, walang-asawa at residente ng Barangay District 1.
Nakaranas din ito ng pag-ubo at lagnat noong October 5, 2020 at nakuhanan ng sample noong October 13, 2020.
Nasa pangangalaga na ito ng LGU Quarantine Facility.
Ang pang-apat ay si CV2272, 53 taong gulang na babae, may-asawa, residente ng Barangay San Fermin at may-ari ng pwesto sa palengke.
Siya ay nagkalagnat noong October 7, 2020 at nagpunta sa isang ospital sa Santiago City upang magpacheck-up.
Pag-uwi ng Cauayan ay inabisuhan siyang magstrict home quarantine at kinuhanan ng sample noong October 13, 2020.
Panglima ay si CV2263, 55 taong gulang na babae, may-asawa, residente ng Barangay San Fermin at tindera ng gulay sa Primark palengke.
Siya ay may history of travel sa Bambang, Nueva Vizcaya at dumating sa lungsod ng Cauayan noong October 8, 2020.
October 10, 2020 nang siya ay makaranas ng pagsipon at hirap sa paghinga at kinuhanan ng sample noong October 13, 2020 na ngayo’y nasa pangangalaga na rin ng LGU Quarantine facility.
Hinihikayat naman ang lahat na magdoble-ingat at sumunod sa mga mandatory health protocols, lalo na at tumataas ang bilang ng mga nagpopositibo sa lungsod ng Cauayan.