Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ngayong araw, Oktubre 11, 2020 ng isang (1) panibagong kaso ng COVID-19 ang Lungsod ng Cauayan.
Ang nagpositibo ay si CV2046, lalaki, 30 taong gulang, may-asawa at residente ng Barangay Nungnungan Dos.
Siya ay isang company delivery helper na may travel history sa Lungsod ng Ilagan noong October 6, 2020.
Bilang bahagi ng protocol ng kanilang pinatatrabahuang kumpanya ay isinailalim siya sa rapid test kung saan siya ay nagpositibo.
Dahil dito, agad siyang kinuhanan ng swab specimen sample noong October 7, 2020 para masuri sa swab sample at lumabas ang kanyang resulta ngayong araw na siya ay positibo sa nasabing sakit.
Ang pasyente at nakaranas ng paglalagnat noong October 6, 2020.
Siya ay nasa pangangalaga ngayon ng barangay quarantine facility.