Lungsod ng Cauayan, Nakategorya na sa ‘Community Transmission’ ng DOH-RO2

Cauayan City, Isabela- Ikinategorya na ng Department of Health (DOH) region 2 na Community Transmission sa COVID-19 ang Cauayan City makaraang makapagtala ng kabuuang 56 active cases batay sa pinakahuling datos.

Ayon kay Health Education and Promotion Officer Pauleen Atal, hindi na tukoy ng ahensya kung saan ang pinagmulan sakit kung kaya’t maraming  pasyente ang  tinaaman ng virus.

Batay sa datos ng DOH, nanguna na ang lungsod ng Cauayan na sinundan ng Tuguegarao City na may mataas na bilang ng community transmission.


Batay naman sa workplace transmission, kabilang na rin ang Dr. Ester Garcia Medical Center sa dito lungsod at Enrile Police Station sa Cagayan.

Samantala, pumalo na sa 44 ang naitalang kaso ng pagkamatay may kaugnayan sa COVID-19 ang buong rehiyon dos.

Sa ngayon ay nasa kabuuang 2,928 ang mga naitalang tinamaan ng virus sa rehiyon habang 330 ang nananatiling aktibo.

Facebook Comments