LUNGSOD NG DAGUPAN, NAGBIGAY PUGAY KAY DATING SPEAKER EUGENIO PEREZ

Ngayong araw, ginugunita ng Lungsod ng Dagupan ang ika-129 na kaarawan ni Speaker Eugenio Padlan Perez, kilala bilang “Ama ng Dagupan City” at isa sa mga haligi ng pamahalaang Pilipino matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Si Speaker Perez, ipinanganak noong Nobyembre 13, 1896, ay nagsilbing Speaker ng House of Representatives mula 1946 hanggang 1953, at naging pangunahing tagapagtaguyod ng mga batas para sa rehabilitasyon at pagbangon ng bansa.

Kanina, pinangunahan nina Coun. Danee Canto at mga barangay workers, kasama ang punong barangay na si Kap. Richie Gomez, ang pag-aalay ng bulaklak sa maliit na estatwa ni Speaker Perez sa Brgy. Herrero Perez. Kasabay nito, inanunsyo rin ang P1 milyong pondo para sa site development ng lugar bilang pagpupugay sa kanyang ambag.

Ang Republic Act No. 6721 ay nagtatakda ng Nobyembre 13 bilang special non-working holiday sa Pangasinan bilang pagkilala sa kanyang mga naiambag sa probinsya at sa bansa.

Ang kanyang pamana ng katapatan, serbisyo, at malasakit sa kapwa ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa bawat Dagupeño.

Facebook Comments