Lungsod ng Ilagan, Ipinagmalaki ang Pagsulong sa Ebalwasyon ng SGLG!

City of Ilagan, Isabela – Ipinagmalaki ng lungsod ng Ilagan ang pagsulong nito sa isinagawang ebalwasyon ng National team ng Seal of Good Local Governance o SGLG kahapon, August 13,2018.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Sangguniang Panlungsod Member Jun Montereal ng City of Ilagan na malaking karangalan umano na mapabilang ang Ilagan sa finalist ng SGLG sa buong bansa para sa taong 2018.

Aniya patuloy umano na umaasa ang pamunuan ng City of Ilagan sa pangunguna ni Mayor Evelyn “Mudz” Dias na mararating ang pinangarap para sa lungsod ng Ilagan.


Idinagdag pa ni SP Montereal na ang naging sandata lamang umano ng lungsod ng Ilagan ay ang tiyaga, abilidad at interesado sa pag-unlad upang makatanggap ng pangrehiyon o pambansang parangal.

Samantala layunin ng SGLG ng Department of Interior and Local Government na kilalanin ang mga LGU’s na nagpapakita ng kahusayan, katapatan at governance ng mga local na pamahalaan sa ating bansa.

Facebook Comments