Lungsod ng Muntinlupa, nagtalaga ng libreng sakay na shuttle service

Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa na magtatalaga sila ng shuttle services upang magbigay ng libreng sakay sa mga stranded na commuter ng lungsod.

Kahapon, ininspeksyon nina Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi, Danidon Nolasco, Muntinlupa Traffic Management Bureau Chief at City Administrator Engineer Allan Cachuela ang dalawang city buses at isang coaster na gagamitin bilang shuttle service.

Dadaan ang nasabing shuttle service mula Tunasan hanggang Alabang (National Road) at vice versa, na magsisimula ng alas singko ng umaga hanggang alas dose ng tanghali.


Babalik naman ang operasyon ng ala una ng hapon hanggang alas nuwebe ng gabi.

Ayon kay Fresnedi, mahigpit na ipatutpad ang “no mask, no entry” policy at “physical distancing” sa lahat ng kanilang shuttle services.

Ito ay isang inisyatibo ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa upang matugunan ang kakulangan ng public transportation habang umiiral ang General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila.

Layunin din nito na mabigyan ng libreng sakay ang stranded na mga commuter na taga-Muntinlupa na pumapasok na sa kani-kanilang mga trabaho.

Facebook Comments