Lungsod ng Taguig, may 76 na bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na 24 oras

Nakapagtala muli ang Taguig City Epidemiology Disease and Surveillance Unit (CEDSU) ng 76 na bagong kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) nitong huling 24 oras.

Ang mga bagong kaso ay mula sa Barangays Fort Bonifacio (17), Pinagsama (7), at tig-anim sa San Miguel at Western Bicutan.

May lima sa Barangay Lower Bicutan at Ususan at tig-apat sa Bagumbayan, Ibayo, at Central Signal.


Tig-tatlo sa Barangay South Signal at Upper Bicutan at tig-dalawa sa Brgy. Hagonoy, Palingon, Central Bicutan, at North Signal.

Habang tig-isa naman sa Brgy. Calzada, Sta. Ana, Tuktukan, at North Daang Hari.

Dahil dito, umabot na ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ngayong umaaga sa 6,714.

Mula sa nasabing bilang, 6,177 dito ay mga gumaling na sa naturang sakit habang ang 55 naman ay nasawi.

Kaya naman nasa 482 ang bilang ngayon ng active cases sa lungsod.

Facebook Comments