Lungsod ng Taguig, muling nakapagtala ng 92 kumpirmadong bagong kaso ng COVID-19

Nadagdagan ang bilang ng kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang lungsod ng Taguig, matapos muling nakapagtala ang City Health Department nito ng 92 bagong infected ng virus sa nakalipas na 24 oras.

Ang mga bagong kaso ng COVID-19 ay mula sa Brgy. Upper Bicutan (12), Pinagsama (10) at tig-8 sa Ibayo, Central Bicutan at Fort Bonifacio.

Sa Lower Bicutan (7), tig-6 sa Ususan at Western Bicutan at tig-5 naman sa Brgy. Central Signal at Katuparan.


Apat sa New Lower Bicutan, tig-2 sa Bambang, Sta Ana, North Signal at Tanyag.

Habang tig-1 kaso ng COVID-19 ang Brgy. Bagumbayan, Napindan, Maharlika, North Daang Hari at South Signal.

May 203 bagong recoveries din sa lungsod, kaya naman umabot na ang kabuuang bilang nito sa 4,604 habang ang mga nasawi ay nasa 44.

Dahil dito, meron pang 442 na mga active cases ang lungsod ngayong umaga mula sa kabuuang bilang na 5,090 na mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 ng lungsod.

Facebook Comments