Lungsod ng Taguig, nakapagtala ng 413 new recoveries ng COVID-19

Inihayag ng pamunuan ng Taguig City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CEDSU) na mas marami ang bagong bilang na mga gumaling mula sa sakit na COVID-19 kumpara sa bagong bilang ng mga tinamaan nito sa nakalipas na 24 oras.

Batay sa tala ng CEDSU, 413 ang new recoveries ngayong ng lungsod, dahilan para tumaas ito sa 19,969 recoveries na may 96.66% recovery rate.

Habang ang mga bagong kumpirmadong kaso ng naturang sakit na naitala kagabi ay nasa 357, kung saan ang kabuuang bilang niyo ngayon ay umabot na sa 20,660.


Ang case fatality rate naman ay nasa 1.06% o katumbas ng kabuuang bilang na 220.

Ang bilang naman ng mga active cases sa Taguig ay umabot na sa 471.

Sinisiguro naman ng Taguig CEDSU na babantayan nila ang mga active cases upang mapigilan ang paglaganap ng nasabing sakit sa lungsod at at agarang makatulong sa kanilang pagpapagaling.

Facebook Comments