Manila, Philippines – Lusot na sa House Committee on Ways and Means ang panukalang nagtataas sa excise tax sa sigarilyo.
Aamyendahan ng ipinasang substitute bill ang Republic Act 10351 o ang sin tax reform law.
Nakasaad sa panukala na tataasan ang excise tax sa tobacco ng P2.50 kada taon simula July 2019 hanggang 2022
Sa ilalim ng TRAIN Law, ang bagong excise tax sa tobacco ay magiging P35 mula sa P30 kada pakete sa taong 2019,
Oras na maging batas, magiging P37.50 kada pakete na ang excise tax sa July 2019 at karagdagang P2.50 kada taon hanggang taong 2022.
Sa taong 2020 inaasahan na ang tax rate ay magiging P40, P42.50 sa 2021 at P45 sa 2022.
Simula naman sa taong 2023 ay magkakaroon ng 4 percent na excise tax sa sigarilyo.
Samantala, ilalaan naman sa Universal Health Care Act ang makokolektang buwis mula rito.