Inanunsyo ngayon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na ilalagay sa Red Alert status ang Luzon grid dahil sa manipis na reserbang kuryente ngayong araw.
Ayon sa NGCP, itinakda ang Red Alert mamayang 3:00 ng hapon hanggang 4:00 ng hapon at 6:00 ng gabi hanggang 10:00 ng gabi.
Samantala, ilalagay naman sa Yellow Alert ang Luzon grid mula 12:00 ng tanghali hanggang 3:00 ng hapon, at 4:00 ng hapon hanggang 6:00 ng gabi, at 10:00 ng gabi hanggang 11:00 ng gabi.
Paliwanag ng NGCP ang available Capacity lang ay nasa 13,594 megawatts at ang peak demand ay pumalo lamang sa 13,127 megawatts.
Dagdag pa ng NGCP sa ngayon umano 19 pa rin na power plants ang nagkaroon ng force outage pero tatlo ang gumagawa na nasa ilalim ng mayroong kakulangan ng kapasidad.
15 ang power plants ay nagkaroon ng forced outage, habang 10 iba pa ang gumagana pero mayroong kakulangan ng Kapasidad para sa kabuuang 736.7 megawatts ang hindi gumagana.