MANILA – Isinailalim sa red alert ang Luzon grid kagabi.Ang red alert ay nangangahulugang masyadong manipis ang suplay ng kuryenteAyon kay National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) Public Affairs Officer Lilibeth Gaydowen, ilang aberya ang kanilang namonitor bandang 7:30 ng gabi na nagresulta ng brownout sa ilang bahagi ng Metro Manila at mga karatig probinsya.Paliwanag ni Joe Zaldarriaga tagapagsalita ng MERALCO, sa hindi pa malamang dahilan biglang nag-offline ang ilang powerplant sa katimugang Luzon kaya naapektuhan ang suplay sa mga franchise area nito.Nasa 20 porsyento anya ng total power supply sa kanilang nasasakupan ang nawalan ng kuryente.Sinabi naman ni Spokesperson Chynthia Alabanza, pinag-aaralan pa ng NGCP at Energy Department kung ano ang naging dahilan ng biglaang brownout.Bandang 8:40 kagabi ng maibalik ang suplay ng kuryente sa mga naapektuhang lugar.
Luzon Grid, Inilagay Sa Red Alert Kagabi – Ilang Bahagi Ng Metro Manila At Karatig Lalawigan, Nakaranas Ng Brownout
Facebook Comments