Luzon grid, inilagay sa yellow alert status dahil sa mataas na demand

Inilagay ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa yellow alert status ang Luzon grid simula kaninang ala-1:00 hanggang alas-3:00 ng hapon.

Sa abiso ng NGCP, bunsod ito ng mataas na system demand.

Naitala kasi sa 11,662mw ang available capacity habang ang peak demand ay nasa 10,882mw.


Lampas umano ito sa kanilang naunang forecast.

Maliban dito, nagpalala sa sitwasyon ang mga outage ng ibang planta.

Facebook Comments