Batay sa inilabas na abiso mula sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), mananatiling nakataas sa Yellow Alert ang suplay ng kuryente sa Luzon ngayong araw.
Ang Yellow Alert ay nakatakdang itaas mula alas-8:00 ng gabi hanggang alas-10:00 ng gabi.
Ayon sa datos ng NGCP, kasalukuyang aabot sa 15,026 megawatts ang available capacity o suplay ng kuryente at mayroong peak demand na 12,899 megawatts.
Samantala, apat na planta ang na-forced outage mula noong 2023, tatlo sa pagitan ng Pebrero at Marso ng taong ito, at labintatlo mula Abril 2024, habang dalawa naman ang nasa derated capacity.
Facebook Comments