Lyceum Pirates, pasok na sa Final 4 ng season 93 ng NCAA

Sports – Kinuha ng Lyceum Pirates ang kanilang ika-labintatlong sunod na panalo matapos pataubin ang Perpetual Help Altas, 94-83 upang makuha ang unang ticket sa last four ng men’s basketball tournament ng Season 93 ng NCAA.

Umiskor ng 21 points si C-J Perez para pangunahan ang Pirates sa kanilang unang Final Four appearance sa liga simula nung sumali sila noong 2011.

Nananatili namang buhay ang pag-asa ng San Sebastian College na makapasok sa last four matapos daigin ang College of Saint Benilde, 73-61 sa second game.


Facebook Comments