Thursday, February 19, 2026

Maagang paganunsyo ni VP Sara Duterte na tatakbo sa pagka-pangulo sa 2028, hindi minasama ng ilang senador

Umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga senador ang pag-anunsyo ni Vice President Sara Duterte na tatakbo sa pagka-Pangulo sa 2028 national elections.

Ayon kay Senator Christopher “Bong” Go, suportado niya ang pagtakbo ni VP Sara sa 2028 dahil iisa naman ang kanilang layunin na maibalik sa normal ang pamumuhay ng bawat Pilipino.

Sinabi naman ni Senator Erwin Tulfo na lahat naman ay pwedeng magdeklara sa kanilang plano sa halalan.

Tumanggi naman si Tulfo na magkomento sa tanong kung masyado bang maaga ang anunsyo ni VP Sara na tumakbong Pangulo sa 2028.

Hindi naman minasama ni Senator Sherwin Gatchalian ang deklarasyon ni VP Sara dahil lahat naman ay may karapatang tumakbo kung saan nakikitang makakatulong sa bansa.

Nang matanong si Gatchalian kung ikinukunsidera ba niyang tumakbong Vice President sa 2028, tugon ng mambabatas ay wala pa at mahaba pa ang panahon niya at nakapokus pa siya sa trabaho ngayon.

Facebook Comments