Matagumpay na ginunita ng Lokal na pamahalaan ng Pozorrubio ang maagang pag seselebra ng Arbor day o pagtatanim ng mga puno sa mga piling lugar sa bayan.
Tuwing June 25 taun-taon, ang orihinal na araw ng pagseselebra sa Arbor day o ang pagtatanim ng mga puno para sa pagpapanatili ng kagandahan ng kapaligiran.
Ang mga punong itinanim gaya ng mga puno ng prutas at non-bearing seedlings na binili ng LGU at mula sa isang pribadong kumpanya maging ang Provincial Capitol ng Pangasinan.
Dinaluhan ang nasabing pagtatanim sa Barangay Balacag at sa Municipal Slaughterhouse ng mga kawani ng Municipal Government Office ng Pozorrubio na kinabibilangan ng LDRRMO, Municipal Agriculture Office, Solid Waste Management Personnel, Municipal Utility, Kabalikat Civicom, Brgy. Officials at ilang National Agencies gaya ng PNP Pozorrubio at samahan ng BFP firefighters.
Tumagal ng dalawang oras ang aktibidad at isinagawa naman ang culminating activity sa Municipal Abattoir ng bayan.