Maaliwalas na panahon ngayong araw, asahan!

Magandang panahon para maglakwatsa ngayong gimik Friday!

Mananatili pa rin kasi ang maaliwalas na panahon sa malaking bahagi ng bansa.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Chris Perez – umiiral ang northeast monsoon o hanging amihan sa Extreme Northern Luzon.


Maliban sa malamig na panahon, may mahihinang ulang dala ang amihan sa Batanes at Babuyan Group of Islands.

Maaraw at mainit ang panahon sa buong Kabisayaan at Mindanao.

Facebook Comments