Ayon kay Police Lieutenant Rhegie Bulan, Chief ng City Community Affairs Development Unit ng PNP Ilagan City, mula sa siyamnaput isang barangay na sakop ng Lungsod ng Ilagan, nasa walumput pitong (87) polling precints at pitumput limang paaralan (75) ang kanilang kinandakan ng security survey para matiyak na maging maayos at ligtas ang pagsasagawa ng eleksyon sa May 9 sa kanilang nasasakupan.
Ibinahagi ni Lieutenant Bulan na may ilang barangay pa sa Lungsod ng Ilagan ang hirap sa signal kaya inabisuhan na ang mga botante sa lugar na magtungo na lamang sa mga polling precincts na malapit sa kanilang barangay.
Bagamat kulang ang pwersa ng PNP ilagan ay tiwala naman ang nasabing pulisya na kanilang magagampanan ng maayos ang pagsasagawa ng botohan sa Mayo at makamit ang inaasam na payapang eleksyon.