17 KAWANI NG SDO CAUAYAN CITY, BINIGYANG PARANGAL

Cauayan City, Isabela- Bilang paggunita ng ika- labing pitong anibersaryo ng SDO Cauayan City ay kinilala ang labing pitong mga guro at administrative staff na nomido sa isasagawang Search for Most Outstanding SDO employee of the year.

Ang labing pitong mga nominado ay galing sa iba’t-ibang mga paaralan sa Lungsod ng Cauayan.

Kaugnay nito, bilang bahagi ng anibersaryo ng SDO Cauayan, ay mayroong isinagawang Beauty Pageant para sa mga guro na kung saan ay tinanghal bilang Ms. Deped 2022 si Ms. Kristeen Faye Garcia bilang representative ng North East at Mabantad South Central School.

First Runner Up naman si Ms. Angelica Perico ng Cauayan City National High School para sa North District at 2nd Runner Up naman si Mary Joy Baccay na representative ng MBBLC, sa Private School.

Pang third Runner Up naman si Queenie Mae Aronce ng Cauayan North Central School at kanyang nirerepresenta ang North District.

Sa Retro Dance ay nag-champion ang East District, 1st runner up ang North District at 2nd runner up naman ang North East District.

Kampeon naman sa Solo singing for school head si Ginoong Jun Gammad ng North District, 1st runner up si Ginoong Brabo Palaganas ng Cauayan North East District, habang 2nd runner up naman si Ginang Romana Villegas Bite.

Facebook Comments