Maayos na 2026 budget, Christmas wish ni PBBM

May simpleng Christmas wish si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong darating na Pasko.

Ayon sa Pangulo, nais niyang maipasa ng Kongreso ang isang maayos at makatarungang national budget para sa susunod na taon.

Para sa kaniya, ito ang magiging pinakamagandang regalo na makatutulong sa mas maayos na takbo ng pamahalaan.

Malaking tulong aniya ang isang maayos na budget upang masigurong tuloy-tuloy ang mga proyekto at mas mabilis na tugon sa pangangailangan ng taumbayan.

Bukod dito, hangad din ng Pangulo na magkaroon ng mas maraming oras kasama ang kanyang pamilya, lalo na sa gitna ng bigat ng trabaho at limitadong pahinga bilang pinuno ng bansa.

Facebook Comments