Nakikiramay sa mga naulila ni Manoy, bumuhos!

60

Bumuhos sa social media ang pakikiramay ng mga taga-showbiz industry sa mga naulila ng yumaong beteranong aktor at direktor na si Eddie Garcia.

Kabilang dito sina Jodi Sta. Maria, Heart Evangelista-Escudero, Ogie Alcasid, Sharon Cuneta, Janno Gibbs at Coco Martin na nag-post ng kanilang mga mensahe sa yumaong aktor.


Maging ang Malacañang ay nagpaabot rin ng pakikiramay at nagbigay ng halaga at pagkilala sa mga kontribusyon ng aktor sa industriya ng pelikula at telebisyon.

Itinakda naman mamayang alas-3:00 ng hapon ang public viewing sa labi ni Manoy matapos humingi ng privacy ang mga kaanak nito.

Samantala sa ibang balita, tampok naman sa isang music video ng isang sikat na singer sa America ang Rappler CEO na Si Maria Ressa kung saan ay tinalakay sa kanta ang ukol sa press freedom.

Facebook Comments

From Advertisers