Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na maayos ang kalagayan ng mga bakuna sa bansa sa gitna ng nararanasang brownout sa maraming lugar sa Luzon dahil sa pagpalya ng isang planta sa Mariveles, Bataan.
Ayon kay DOE Undersecretary William Fuentebella, hindi masisira ang mga COVID-19 vaccine sa cold storage facilities.
Nakikipag-ugnayan naman sila sa Inter-Agency Task Force (IATF) upang matiyak na nasa maayos na kalagayan ang mga bakuna.
Habang siniguro rin nito na tatargetin nilang huwag nang isama ang mga lugar na may COVID-19 vaccine storage sa rotational power interruptions.
Matatandaang una nang inanunsiyo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na magkakaroon ng brownout sa Luzon Grid hanggang June 7 dahil sa kakulangan ng suplay ng kuryente.