Dapat tiyaking maayos ang pagpapatupad ng safeguards sakaling buhayin ang mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) program.
Sinabi ito ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., kasunod ng isinagawang exploratory talks sa pagitan ng Department of Education (DepEd) at Armed Forces of the Philippines (AFP) hinggil sa pagbuhay ng naturang programa.
Ayon kay Azurin, ito ay upang maiwasan ang hazing incidents kasunod ng pagbubuhay nito.
Magugunita noong 2001 ay may nasawing ROTC cadet mula sa University of Sto. Tomas na si Mark Chua matapos ibinunyag ang korapsyon ng naturang programa noong Feb 21 issue ng The Varsitarian.
Nagresulta ito kalaunan sa pagsasabatas ng Republic Act 9163 o ang National Service Training Program Act of 2001 noong January 23, 2002 kung saan maaaring mamili ang isang college student sa ROTC, Literacy Training Service at Civil Welfare Training Service bilang bahagi ng National Service Training Program o NSTP.