“Maayos na pamumuhay ng mga Pilipino”, bitbit na layunin ni Partido Reporma Chairman at standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson

“Tumakbo ako para maayos ang buhay ng bawat isang Pilipino.”

Ito ang layunin ni Partido Reporma Chairman at standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson sa kaniyang pagtakbo bilang presidente ng bansa.

Ayon kay Partido Reporma treasurer at dating LPGMA Party-list Representative Arnel Ty, mananatiling nakatuon ang kampanya ni Lacson sa mga isinusulong na adbokasiya nito tungo sa pagsasaayos ng buhay ng lahat ng Pilipino sa gitna ng COVID-19 pandemic.


Aniya, kailangan natin ng isang seryoso, matalino at tapat na lider na katulad ni Lacson ang dapat piliin ng taumbayan upang pamunuan ang bansa.

Dagdag pa ni Ty, sa kabila ng mga resulta ng survey at sa mga paninira na ibinabato kay Lacson, ay magpapatuloy ang Partido Reporma para maipaliwanag sa publiko ang mga plataporma at solusyong inihahain ng batikang mambabatas para maalis ang mga tiwaling opisyal at kawani ng gobyerno at maibaba ang pondo ng bayan sa bawat Pilipino.

Samantala, paliwanag ni Ty, naging abala ang mambabatas sa kaniyang tungkulin sa senado, lalo na sa pagpapasa ng national budget kaya hindi naging aktibo si Lacson sa pangangampanya sa mga nakaraang buwan.

Facebook Comments