Serbisyo ng Coverage ng Telco sa San Antonio at Magallanes sa Makati City, balik na sa normal

23

Balik na ang serbisyo ng Converge sa San Antonio at Magallanes sa Makati City, makaraang maapektuhan ng fiber cuts bunsod ng ginagawang paghuhukay sa kalsada ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

12:47 A.M ng January 14, nang maputol ang serbisyo ng telco at naibalik din ito ng 7:00 P.M.

Daan-daang subscribers ng Converge ang naapektuhan ng naturang fiber cuts sa kahabaan ng Pasong Tamo matapos aksidenteng tamaan ng ginagawang paghuhukay ng DPWH ang kanilang optical fiber.


Agad namang nagtungo sa site ang team ng Converge para sa agarang pagbabalik ng kanilang serbisyo.

Facebook Comments