Panibagong record-high na mga kaso ng COVID-19 sa bansa, naitala ngayong araw

68

Nakapagtala ng 39,004 na panibagong kaso ng COVID-19 ang bansa ngayong araw.

Mas mataas ito kumpara sa 37,207 na kaso ng sakit kahapon kung saan ito na ang pinakamataas na naitalang kaso simula nang tumama ang COVID-19 sa bansa.

Dahil dito, umabot na sa 3,168,379 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa.


Umakyat na sa 280,813 ang aktibong kaso ng naturang sakit.

Nadagdagan naman ng 23,613 ang mga naka-rekober kaya pumalo na sa 2,834,708 ang mga gumaling.

Samantala, sumampa na sa 52,858 ang mga nasawi matapos madagdagan ng 43 ngayong araw.



Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 13, 2022 habang mayroong 8 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Facebook Comments