Mababang inflation, inaasahang hihikayat sa mas maraming negosyante at magbubunga ng dagdag na trabaho

Manila, Philippines – Inaasahan na ni Senator Win Gatchalian ang pagbaba ng inflation rate o presyo ng mga bilihin ngayong buwan ng Oktubre.

Tiwala si Gatchalian na magbubunga ang mababang inflation ng paghikayat sa maraming negosyante, malaki man o maliit, na mamuhunan sa ating bansa sa kabila ng global economic slowdown.

Paliwanag ni Gatchalian, kapag maraming mamumuhunan sa bansa, ay asahan ang dagdag na trabaho at oportunidad para sa mamamayang Pilipino.


Kaugnay nito ay iginiit ni Gatchalian sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na palawugain ang monetary policy para mapalakas ang ekonomiya at makamit ang target na anim hanggang 7 porsyentong paglago ng ekonomiya.

Facebook Comments