Kontrolado ng gobyerno ang mga presyo ng mga pangunahing bilihin na ibinebenta sa mga Kadiwa Store.
Tiniyak ito ni Pangulong Bongbong Marcos matapos pangunahan ang paglulunsad ng Kadiwa ng Pangulo sa Bulacan kahapon.
Aniya, kayang idikta ng pamahalaan sa mga nagbebenta sa Kadiwa Stores ang presyo na abot kaya.
Nagawa na ito ayon sa presidente noong nagkaubusan ng supply ng sibuyas at malaki ang itinaas ng presyo nito.
Hindi lang sibuyas ayon sa pangulo nakontrol din ng pamahalaan ang presyo ng asukal at bigas sa bansa.
Nilinaw naman ng pangulo na hindi makokontrol ng Pilipinas ang presyo ng mga ibinebenta sa mga supermarket.
Kaya naman desidido ang gobyerno na paataasin pa ang produksyon ng agrikultura sa bansa upang mas maraming kadiwa.
Una nang inilunsad ang Kadiwa noong nakaraang taon para matulungan ang mga Pilipinong makabili ng murang pagkain sa harap nang mataas na presyo pa rin ng mga pangunahing bilihin.