MABAGAL NA DALOY NG TRAPIKO, INAASAHAN SA PAGDARAOS NG PISTA SA SANTO TOMAS

Inaasahan ang mabagal na daloy ng trapiko sa kahabaan ng National Highway sa Santo Tomas, Pangasinan mula Marso 21 hanggang 25, 2026 kaugnay ng pagdiriwang ng Town Fiesta 2026.

Ito ang inanunsyo ng Santo Tomas Police Station sa publiko kahapon, Marso 17.

Ayon sa pulisya, inaasahang dadagsa ang mga motorista at bisita kaya posibleng makaranas ng mabagal na usad ng mga sasakyan, lalo na sa pangunahing kalsada.

Pinayuhan ng pulisya ang mga malalaking sasakyan tulad ng truck at bus na dumaan sa mga alternatibong ruta upang maiwasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Samantala, ang mga light vehicles ay maaaring dumaan sa itinalagang pansamantalang alternatibong daanan.

Kaugnay nito, hinikayat ng mga awtoridad ang publiko na magplano ng biyahe nang mas maaga at makiisa sa ipinatutupad na traffic management sa panahon ng selebrasyon ng pista sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments