Mabagal na pagkilos ng liderato ng Kamara, pinabulaanan

Pinasinungalingan ni Deputy Speaker Roberto Puno ang akusasyon ng ilang kongresista na mabagal ang liderato ng Kamara sa pagtatalaga ng mga bakanteng posisyon sa mga komite.

 

Giit ni Puno, hindi ito totoo dahil sa loob pa lang ng dalawang linggo nasa 30% hanggang 35% na ang napupunan sa mga bakanteng pwesto sa mga komite sa Kamara.

 

Aniya, noong 17th Congress ay umabot ng Nobyembre bago napuno ang mga posisyon sa committee chairmanships at vice chairpersons habang noong 16th Congress ay tumagal sila ng hanggang Oktubre bago natapos ang pagtatalaga sa mga Committee positions.


 

Dahil dito, naniniwala si Puno na mabilis pa sila magtrabaho ngayong 18th Congress kumpara noong mga nakaraang Kongreso.

 

Hinamon naman ni Puno ang mga mambabatas na nagsasabing mabagal ang Liderato ng Kamara na maglabas ng statistics na magpapatunay sa kanilang alegasyon.

Facebook Comments