*Cauayan City, Isabela*- Aminado si Sangguniang Panlungsod Edgardo Atienza na kinakailangan na magkaroon ng mas malinaw na basehan ang mga benepisyaryong makatatanggap ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program ng Gobyerno.
Ayon kay SP Atienza, kinakailangan na magkaroon ng guidelines ang Department of Social Welfare and Development upang maging klaro para sa lahat ang mabebenepisyuhan ng nasabing tulong pinansyal bagama’t may kalituhan para rin sa ngayon ang sa lahat ang sitwasyon.
Una ng inanunsyo ni Pangulong Duterte na nasa 18 million pamilya ang maaayudahan ng nasabing programa subalit magkakaroon ng beripikasyon upang higit na matiyak ang maisasailalim sa naturang programa.
Samantala, tiniyak naman ng LGU Cauayan na libre ang babayarin ng mga tenant sa Pamilihang Lungsod ng Cauayan sa loob ng isang (1) buwan bunsod ng umiiral na Enhanced Community Quarantine.
Pinayuhan naman ni Atienza ang publiko na maging maingat at sundin pa rin ang abiso ng mga kinauukulan upang makaiwas sa posibleng pagkalat ng nakamamatay na sakit.