Mabibigat na akusasyon ni Trillanes laban kay Paolo Duterte, dapat patunayan ng senador ayon sa palasyo

Manila, Philippines – Hinamon ng Palasyo ng MalacaƱang si Senador Antonio Trillanes IV na patunayan ang kanyang mga alegasyon laban kay Presidential Son at Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.

Ito ang sinabi ng palasyo kay Trillanes matapos nitong akusahan ang batang Duterte na miyembro ng Chinese triad na sangkot sa operasyon ng iligal na droga

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, isang mabigat na akusasyon ang ibinabato ng senador laban sa anak ng Pangulo.


Kaya naman dapat ay maglabas ito ng mga matitibay na ebidensiya para patunayan ang kanyang mga paratang.

Matatandaan na tumanggi si Paolo Duterte na ipakita sa Senate hearing ang kanyang tattoo na ayon kay Trillanes ay patunay na miyembro nga ito ng Chinese triad.

Facebook Comments