Kahit nakauwi na sa kani-kanilang tahanan, makatatanggap pa rin ng mga relief goods ang mga nagsilikas sa mga evacuation centers noong pananalasa ng bagyong Rosita.
Ayon kay DSWD Rolando Bautista – hanggang ngayon kasi ay inaayos pa rin ng mga residente ang mga nasira nilang bahay kaya tuloy-tuloy lang ang pamamahagi nila ng relief goods.
Bukod dito, apektado rin ang hanapbuhay ng iba.
Sa ngayon ay tinatayang nasa 150 pamilya nalamang o halos 500 indibidwal ang nananatili sa 15 evacuation centers na karamihan ay nasa Cordillera Administrative Region.
Facebook Comments