Mabilis na byahe sa EDSA, malapit nang maramdaman ayon sa Pangulo

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyan ng pagdaloy ng ginhawa sa EDSA para sa mga motorista.

Ayon sa Chief Executive, maghintay lang ng buwan ng Disyembre at mararamdaman na ang maluwag na daloy ng mga sasakyan sa EDSA oras na matapos ang Skyway stage 3 na magkokonekta sa SLEX at NLEX.

Kapag ito ay nabuksan na, wala nang bubunuin na dalawang oras na biyahe mula sa NLEX hanggang SLEX kung sa EDSA dadaan at sa halip, magiging 15 hanggang 20 minuto na lamang ang biyahe mula NLEX-Balintawak hanggang sa SLEX-Buendia.


Sa susunod na buwan sana bubuksan ang SLEX-NLEX connector subalit naiurong ito ng Hulyo dahil sa nangyaring pag-collapse ng bahagi nito sa Pandacan dahil sa sunog.

Facebook Comments