Manila, Philippines – Nababahala na ang grupong International Justice Mission sa mabilis na paglobo ng bilang ng Online Sexual Exploitation of Children at Child Trafficking sa bansa.
Ayon kay IJM National Director Atty. Sam Inocencio 80 percent ay mga minors ang nabibiktima ng Online Sexual Exploitation of Children at 50.3 percent dito ay mayroong edad na 12 anyos pababa at ang pinakabata ay 2 Months old.
Paliwanag ni Inocencio base sa kanilang Statistic as of January 2017, 44 ay nagsagawa ng Rescue Operations, 165 mga nabiktima ay nasagip, 78 mga suspek ay arestado habang 7 ang mga perpetrators ay convicted na.
Giit ni Inocencio noong nakaraang taon pumalo na sa limang libo bawat buwan natatanggap na Cyber tips ng Department of Justice mula sa Amerika na kinasasangkutan ng OSEC.