MABILIS NA PROSESO | Unang batch ng mga bagong plaka, darating sa March 2018 – LTO

Manila, Philippines – Tiniyak ng Land Transportation Office (LTO) ang mabilis na pagpoproseso ng pag-iisyu ng mga bagong plaka ng sasakyan.

Ito’y matapos ang panawagan ni House Speaker Pantaleon Alvarez na magbitiw si LTO Chief, Asec. Edgar Galvante.

Ayon kay Galvante, humihingi siya ng paumanhin sa pagkaka-antala ng pagdi-distribute ng mga plaka.


Pag-upo pa lamang nila noong Hulyo 2016 ay agad na kumilos ang LTO para makabili ng mga bagong plaka.

Mas matatagalan pa aniya kung hihintayin ang resolusyon ng korte sa kaso ukol sa procurement ng mga plaka ng nakaraang administrasyon na sakop sana ng taong 2014 hanggang 2018.

Nobyembre 2016 aniya nang maaprubahan at laanan ng isang bilyong piso ni Transportation Sec. Arthur Tugade ang proyekto pero inabot ng isang tao bago nakahanap ang lto ng contractor na gagawa sa mga plaka.

Inaasahan ang delivery ng unang batch ng mga plaka sa March 2018.

Facebook Comments