MABILIS NA RESPONDE NG PULISYA, NAGLIGTAS SA SUNOG SA SEMENTERYO SA SUAL

Mabilis at maagap na aksyon ng kapulisan ang nakapagligtas sa posibleng malawakang sunog sa gitna ng paggunita ng Undas 2025 sa Sual.

Ayon sa ulat, dalawang personnel mula sa Sual Municipal Police Station ang agad na rumesponde matapos sumiklab ang apoy mula sa isang nakalimutang kandila sa loob ng sementeryo.

Dahil sa kanilang maagap na pagresponde, agad na naapula ang apoy bago pa ito kumalat at magdulot ng mas malaking pinsala o panganib sa mga dumadalaw sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.

Ang insidente ay nagsilbing paalala sa publiko na maging maingat sa paggamit ng kandila at iba pang apoy habang nasa sementeryo, upang maiwasan ang mga ganitong insidente.

Pinuri naman ng mga opisyal ng PNP ang dalawang pulis sa kanilang dedikasyon, at malasakit sa publiko, na tunay na nagpapakita ng diwa ng serbisyo at pagbabantay sa kapayapaan at kaligtasan ng mamamayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments