1*. Selos*. Dahil sa malayo kayo sa isa’t isa, binibigyan niyo rin pareho ang isa’t isa ng karapatan na magselos. Hindi kayo nagkikita kaya’t mapapaisip ka kung sino at ano ang ginagawa ng partner mo. Walang magandang maidudulot ang pagseseslos dahil ang ibig sabihin nito ay wala kang tiwala sa partner mo.
2. *Panloloko*. Tulad ng ibang relasyon, maaari ring manloko ang partner mo sa’yo dahil malayo kayo sa isa’t isa. Marahil dahil dala ng pangungulila kaya nagagawang manloko ng iyong karelasyon.
3. *Hindi nagkakaunawaan. *Mahalaga ang komunikasyon sa isang relasyon. Kung hindi man araw-araw, siguraduhing updated ka sa partner mo at nagiging open kayo sa isa’t isa upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.
4. *Madaling magsawa kapag nag-uusap.* Hindi katulad dati na magkasama pa kayo, hindi na siya nagiging interesado sa mga kwento mo kaya’t minsan ay nawawalan na siya nang ganang makipag-usap o di kaya ay madaling mapagod.
5. *Masyadong mahigpit.* Dahil kayo ay magkalayo, maaaring mas paghigpitan ka niya. Matatakot siya na makahanap ka ng iba dahil wala siya sa tabi mo.
MADALAS NA PROBLEMA NG MGA MAY LONG DISTANCE RELATIONSHIP
Facebook Comments