Madre at 2 iba pa, Huli sa Iligal na Pagbiyahe ng Kahoy

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang madre at 2 iba matapos harangin kahapon (Abril 6) sa isang checkpoint sa Gonzaga, Cagayan.
Nakilala ang mga nahuli na sina alyas Eddie, 47-anyos, may-asawa, school maintenance; Gino, 38-anyos, school driver at ang madre na itinago sa pangalang Rona, 59-anyos, isang Franciscan Apostolic Sister at kapwa mga kasapi ng St. Anthony’s Academy sa naturang bayan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP, sakay ng L300 van na may plakang NSO 349 ang nasa 52 piraso ng sawn lumbers nang parahin ng mga otoridad ang sasakyan at tumambad sa kanila ang umano’y illegal na pagbibiyahe ng kahoy.

Bigo umano ang nasabing mga suspek ng hingan sila ng kaukulang dokumento na nagbibigay pahintulot ng kanilang pagbyahe.


Nahaharap ang tatlong suspek sa kasong paglabag sa Presidential Decree 705 o Illegal Logging.

Facebook Comments