Pang-masang shrimp tempura, alok ng Tokyo Tempura

16

Kung ang cravings ninyo ay shrimp tempura, worry no more dahil masarap at abot-kayang tempura ang alok ng Tokyo Tempura.

Sa segment na Business as Usual sa Usapang Trabaho ng DZXL 558 Radyo Trabaho, ibinahagi ni Jenny Wieneke, Chief Marketing Officer at CEO ng Tokyo Tempura, na sa halagang P69, isang masarap na tempura na ang matitikman ng publiko at sa P500 ay isang bucket na ang mabibili na pwedeng i-share sa inyong mga kapamilya.


Bagama’t nakapagbukas na ng ilang branch ang Tokyo Tempura sa ilang malls, tulad ng ilang negosyo, apektado rin ang kanilang negosyo ng pandemya.

Pero ayon kay Jenny, para manatili ang kanilang negosyo at masuportahan ang kanilang mga empleyado, sinubukan nila ang online selling ng mga frozen kits at kalauna’y naging matagumpay ito.

Samantala, bukod sa tempura, may mga produkto rin silang burger, street foods at nachos na talagang magsa-satisfy sa inyong mga cravings.

Facebook Comments