MAFAR BARMM suportado ang Plant , Plant , Plant Program ng Department of Agriculture

Muling pinangunahan ng Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform o MAFAR BARMM ang isinagawang Planting Festival sa Maguindanao.
Mismong sina MAFAR BARMM Assistant Minister Engr. Ismail Guiamel ang nanguna sa ceremonial planting kasama sina Tong Abas Regional Rice and Seed Focal Person, Abdulnasseef Ulong, BARMMIARC Center Manager, Abdulnasser Badawi, MAFAR-Maguindanao Provincial Head, Dr Ronjamin Maulana, MAFAR-Maguindanao Operations Chief, Aleon Mansol, MAFAR Municipal Officer, at ang mga farmer-beneficiaries. , sa Brgy. Katibpuan Talayan.

Ito na ang ika -21st na bayan na nagsagawa ng Planting Festival ang MAFAR. May lawak ang Model Farm ng 50 Hektarya . Sinasabing sakaling mahaharvest ang mga palay, makakapagsuplay ito ng 250 hanggang 300 na toneladang palay , sapat na hindi lamang para sa mga Baranggay ng Talayan kundi maging sa mga kalapit bayan ayon pa kay MAO Mansol.

Hangad pa rin ng programa ay para isulong ang adbokasiya ng Mafar BARMM na “Mafarating at Mafaramdam” ang mga pagsisikap ng MAFAR sa mga magsasaka at bilang tugon na rin ng Barmm Government para magkaroon ng sapat na bigas ang Rehiyon sa gitna na rin ng pandemya ayon pa kay Engr. Guiamel.


Ang aktibidad ay bilang pakikiisa at suporta na rin ng MAFAR BARMM sa isinusulong na Plant Plant Plant Program ng Department of Agriculture dagdag pa ni Engr. Guiamel.

Samantala noong nakaraang araw, isinagawa naman ang kauna-unahang Planting Festival sa Lanao Del Sur sa Barangay Bansayan, Poona-Bayabao .(Dennis Arcon)
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments