Mag Ama na Wanted sa Batas, Natimbog

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang dalawang lalaki matapos na Top 6 at 7 Wanted Person matapos isilbi ng mga awtoridad ang mandamiento de aresto ng mga ito sa Bayan ng Lasam, Cagayan.

Kinilala ang mga akusado na sina Marlon Calumag, 49 anyos, may asawa, isang laborer at Jonald Calumag, 19 anyos, binata at kapwa residente ng Brgy. Peru, Lasam, Cagayan.

Ayon kay PSSg. Epifanio Cornel Jr. ng PNP Lasam, ipinalabas ni kagalang galang hukom Francisco Donato ng RTC Br. 33 Ballesteros Cagayan ang warrant of arrest para sa kasong Attempted Murder laban sa mag ama.


Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan ng mga suspek kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng P120,000.00 bawat isa.

Nananatili naman sa kustodiya ng pulisya ang mag ama para sa kaukulan pang imbestigasyon.

Facebook Comments