Negosyante na Eksperto sa Pagnanakaw, Arestado!

113

Cauayan City, Isabela- Tinatayang aabot sa kalahating milyong piso ang ilalagak na piyansa ng isang negosyante matapos na maaresto dahil sa kasong labing anim (16) na beses ng pagnanakaw.

Pasado alas tres ng hapon kahapon nang madakip ng mga otoridad sa Rizal Avenue, District 2, Cauayan City ang akusado na si Frelyn Pabon, 39 anyos, byuda, negosyante at residente ng Brgy. Del Pilar, Alicia, Isabela.


Ito ay sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Raul V Babaran ng RTC Br 19, Cauayan City, Isabela dahil sa kasong 16 counts na Qualified theft na may kabuuang piyansa na P480,000.00.

Dinala na sa himpilan ng PNP Cauayan City ang akusado para sa karagdagang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments

From Advertisers