
Pinawalang sala ng Sandiganbayan Special 3rd Division ang mag-amang Jejomar at Junjun Binay kaugnay kaugnay sa graft, falsification of public documents at malversation of public funds.
Ito’y kaugnay ng umano’y maanomalyang konstruksyon ng P2.2 billion Makati City Parking Building na isinampa ng Office of the Ombudsman noong 2016.
Nagsimula ang proyekto sa panahon ng pamumuno ng nakatatandang Binay bilang alkalde ng Makati.
Ipinagpatuloy naman ito ng kaniyang anak na si Junjun mula 2010 hanggang 2013.
Sa binasang desisyon, not guilty ang mag-amang Binay sa 23 na kasong isinampa laban sa kanila.
Ito’y sa kabiguan ng panig ng prosecution na makapresinta ng sapat na katibayan.
Una nang iginiit ni Junjun Binay sa Anti-Graft Court na ang tanging naging papel niya sa proyekto ay ang pag-apruba sa release of payments noong 2011 at 2013.
Ang bidding at post-bidding activities ay hinawakan ng ibang to.
Abswelto rin ang kapwa akusado ng mga Binay na nasa 22 pang ibang personalidad.
Dahil dito, ipinasasauli ang kanilang inihaing piyansa at ipinatatanggal na ang mga akusado sa hold departure order.









