Mag-anak pinaulanan ng bala sa Matalam North Cotabato, 3 patay 3 wounded

260

Tatlo katao ang namatay habang sugatan naman ang tatlong iba pa nang pagbabarilin sa Purok Sampaguita, Poblacion, Matalam, North Cotabato.
Sa impormasyon mula sa mga otoridad, on the spot na nasawi ang mag-asawang sina Ernesta Gatella, 70-anyos, magsasaka at Lorena Gatella, 43-anyos, habang namatay naman sa pagamutan si Joe Gatella, 70-anyos, magsasaka.
Ang mga sugatan naman ay sina Emmelita Getalla, Jose Getalla at Daryl Getalla na patuloy na nagpapagaling ngayon sa ospital.
Naghahapunan gabi ng sabado ang mga biktima sa loob ng kanilang tahanan nang biglang may pumasok na mga armadong lalaki at agad silang pinagbabaril gamit ang caliber 5.56mm.
Patuloy pa ngayon ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa naturang krimen.
Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng M16 .(Daisy Mangod)

Facebook Comments