Mag-asawang Umabuso ng Bata sa Benito Soliven Isabela, Pansamantalang Nakalaya!

130

Benito Soliven, Isabela – Pansamantalang nakalaya kahapon ang mag-asawang umabuso ng bata sa Brgy. District 2, Benito Soliven, Isabela matapos na makapaglagak ng kanilang piyansa sa korte.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Senior Inspector Joel Bumanglag, hepe ng Benito Soliven, sinabi niya na agad na nakapag-lagak ng piyansa ang mag-asawa ng walumpung libong piso bawat isa.

Aniya isang menorde edad at kamag-anak umano ng mag-asawa ang kanilang naging biktima ng child abused.

Matatandaan na naaresto sina Lerwin Ramos Carolino at Mary Grace Cabaldo Carolino, pawang bente sais anyos at residente ng nasabing barangay dahil sa kanilang kasong paglabag sa RA 7610 na inihain ni hukom Andrew Barcena ng RTC Branch 17 City of Ilagan, Isabela.

Facebook Comments